Ang Sampung Utos Ng Diyos Tagalog Ang 10 utos ng Diyos ay nakasulat sa lumang tipan o parte ng Bibliya. Ito ay utos bilang kasunduan sa...
Ang Sampung Utos Ng Diyos Tagalog |
Pero, napansin po ba ninyo na walang nakasulat na numero sa bawat utos o walang sinabi kung ito ay sampu nga ba lahat? Ito ang dahilan kung bakit ang sampung utos ng Dios ay may ibat-ibang version sa bawat relihiyon o sekta. Paano mo masasabi na ang utos na yan ay pangatlo o pang-anim na utos, na wala ngang sinabi o numero man lang sa nakasulat sa dalawang aklat na binigay ko sa taas.
So, ngayon, ilatag ko sa pahinang ito ang ibat-ibang pagka-arrange ng sampung utos ng Diyos sa bawat relihiyon o sekta.
Utos | Hudiyo | Ortodokso | Romano Katoliko, Luterano** | Anglikano, Repormado, at ibang mga Kristiyano |
---|---|---|---|---|
Ako ang Panginoon na inyong Diyos. | 1 | 1 | 1 | pasimula |
Huwag kayong magkaroon ng ibang Diyos maliban sa akin. | 2 | 1 | ||
Huwag kayong gumawa ng mga diyos-diyosan. | 2 | 2 | ||
Huwag mong banggitin ang pangalan ng Panginoon sa walang kabulohan. | 3 | 3 | 2 | 3 |
Ipangilin mo ang araw ng pagpahinga (sabbath). | 4 | 4 | 3 | 4 |
Igalang mo ang iyong Ina at Ama. | 5 | 5 | 4 | 5 |
Huwag kang papatay* | 6 | 6 | 5 | 6 |
Huwag kang makikiapid sa hindi mo Asawa. | 7 | 7 | 6 | 7 |
Huwag kang magnakaw. | 8 | 8 | 7 | 8 |
Huwag kang magbibintang o magsinungaling sa iyong kapwa. | 9 | 9 | 8 | 9 |
Huwag kang magnanasa sa mga bagay na hindi mo pag-aari. | 10 | 10 | 9 | 10 |
Huwag kang magnanasa sa Asawa ng iyong kapwa. | 10 |
Bakit pinagkaguluhan pa ang pagkakasunod-sunod na yan sa halip na mag-fucos nalang sa nasusulat na utos, dahil ang importante dyan ay ang pagsunod sa utos, di ba?
Mayrong grupo o relihiyon na nagsasabi na hindi daw preperado sa atin ang sampung utos na yan, dahil para daw yan sa bayan ng Israel na sinakop sa kaharian ng Ehiptohanon. At sabi naman ng iba na kasama pa rin tayo sa 10 utos ng Diyos na yan dahil Dios ang nag-utos.
Ano ang masasabi niyo ditto mga kabayan, may aral ba kayong nakukuha tungko ditto? Paki-share nalang sa comment area.
COMMENTS